By Nixie Gail Boloron
Nito lamang Agosto 10 sa taong 2024 ay inilunsad ng kagawaran ng edukasyon ang kurikulum na tinatawag na ‘MATATAG’. Sa unang taon ng implementasyon ay malinaw na ang layunin nito ay lumikha ng isang sistema ng edukasyon na paghahanda sa mga mag-aaral para sa hinaharap. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na tugunan ang mga kakulangan sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Subalit, tulad ng iba ring bagong programa, may mga hamon at oportunidad na kailangan harapin.
Isa sa mga pangunahing pagbabago na dala ng Matatag Curriculum ay ang mga aralin na dapat isaayos para sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Mula sa pagbawas ng napakaraming learning competencies na 11,000 ay nagiging 3,000 learning competencies na lang. Naglalayon itong alisin ang sobrang bigat na kurikulum para sa mga mag-aaral.
Ang bagong kurikulum ay nabigyan ng iilang papuri lalo na sa dala nitong tulong para mas mabigyang pansin ng mga mag-aaral ng mga paksa na dapat nilang pag-aralan.
Sa kabila nito, nananatiling hamon ang sapat na paghahanda ng mga guro at materyales. Isa na rito ang kakulangan sa mga aklat, gabay, at sapat na pagsasanay sa mga bagong patakaran, na nagdulot ng kalituhan sa mga unang buwan ng implementasyon.
Ang unang taon ng Matatag Curriculum ay isang mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Ipinapakita lang nito na gustong matugunan ang problema sa kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Nakasalalay sa aksyon ng pamahalaan, mga guro, magulang, at mag-aaral kung ang Matatag Kurikulum ay magiging perwisyo ba o nagpapatatag sa kaalaman ng mga mag-aaral. Ang hamon ngayon ay hindi lamang ipatupad ang kurikulum, kundi makita na ito’y maging tunay na matatag at kapaki-pakinabang para sa susunod na henerasyon.
