Ni Kate Calzado
Ipinagdiriwang ng mga mag-aaral at mga guro ang Buwan ng Wika noong Agosto 30, 2023, Byernes sa BTVHS gymnasium na may temang ” FILIPINO : Wikang Mapagpalaya “
Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto ng taon para bigyang-diin ang kahalagahan ng ating sariling wika. Nagsagawa ang mga mag-aaral kasama ang mga guro ng iba’t ibang aktibidad at programa upang ipakita ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa ating wika.
Ang mga pagtatanghal ay ang mga sumusunod: interpretatibong pagbasa na mula sa baitang 7, seksyon Hyacinth; balitaw mula sa baitang 12; sayawit mula sa baitang 9, seksyon Tulips; at talumpati ni Ryan Pacios mula sa baitang 12, seksyon GAS.
Isinagawa rin ang Bayani Look-Alike at Lakambini at Lakandula 2024 na kung saan si Tirso Cinconiegue Jr. ng 8-Ylang-Ylang ang nanalo bilang si Andres Bonifacio. Sina Greg Anthony Arano at Monica Jane Abuyabor ang itinanghal na panalo sa Lakambini at Lakandula 2024.
Matagumpay na natapos ang programa na pinamunuan nina Ryan Pacios at Nixie Gail Boloron bilang mga puno ng seremonya. Ipinagdidiriwang ang programang ito para ipaalala sa lahat na ang wikang Filipino ay hindi lamang isang wika, kundi isang simbolo ng ating kultura at pagkakakilanlan.








