Ni Kate Calzado
Buong siglang nakilahok sa GSP Regional Junior, Senior, at Cadet Camp ang mga piling girl scouts ng Biking Technical Vocational High School na ginanap sa Marina Yulo-Vargas Regional Program and Training Center sa Kalunasan, Cebu City noong Marso 22-26, 2026.
Kinilala sina Kate Calzado, Kuincy Cinconiegue, at Chloe Nercuit sa kanilang aktibong pagsabak sa iba’t ibang aktibidad sa Regional Camp na may temang “EmpowHER to Act: Cultivating LeadHERship for Lasting Change.”
Bago ang Regional Camp ay ginanap muna ang Provincial GSP Camp sa Danao Camping Center sa Poblacion, Danao, Bohol na may temang “Once a Girl Scout, Always a Girl Scout” noong Marso 6-8, 2026.
Ang mga Provincial campers ay sina Kate Calzado, Kuincy Cinconiegue, Sweet Marie Caralde, Monica Jane Abuyabor, Shiela Mae Bapilar, Mary Gwyneth Arabiana, Rechelle Planas, Chloe Nercuit, Ma. Christy Ann Libranza, Oddessa Faith Cinconiegue, Angel Ann Macabebe, at Leeven Skye Luayon kabilang ang dalawang Titas na sina Tita Sheila Moreno at Tita Monaliza Virtudazo.
Ipinamalas ng mga kalahok mula sa Dauis District noong PJSCC 2026 at Bohol Council noong RJSCC 2026 na kung saan kabilang ang BTVHS, ang kanilang husay at kakayahan sa iba’t ibang gawain at aktibidad na inihanda ng mga tagapag-organisa.
Kabilang dito ang songs and cheers competition, trailblazer challenge, bridge of friendship, scout’s own, handicraft making, wander-wonder sa Danao, taekwondo, fbm/abc, campfire presentation, gpn, camp bazaar, council extravaganza, city tour, mural painting, rappelling, at actual first aid na naglalayong paunlarin ang kakayahan at disiplina ng mga kababaihan.
Sa buong programa, nagpakita ng dedikasyon at kooperasyon ang mga kababaihan upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain at mapanatili ang diwa ng pagkakaisa at pakikipagkapwa.
Kinilala ang mga kalahok na nagpakita ng kahusayan sa iba’t ibang aktibidad. Sa PJSCC, itinanghal ang Dauis District bilang unang puwesto sa Campfire Presentation at ikalawang puwesto sa Songs and Cheers. Samantala, sa RJSCC, pinarangalan ang Bohol Council bilang ikalawang puwesto sa Best in Council Extravaganza, Best in Camp Gate, Best in Sub-Camp Gate, Cleanest Camp, Best in Bulletin Board, at Best in Sub-Camp Bulletin Board, kung saan kabilang ang BTVHS.
Ang Girl Scout of the Philippines Regional at Provincial Junior, Senior, and Cadet Camp ay patuloy na nagsisilbing mahalagang hakbang upang hubugin ang mga kabataang babae na maging mas responsable, disiplinado, at handang maglingkod sa komunidad at sa bansa.
