Ni John Venson Nisnisan
Sampung mag-aaral mula sa Grade 10 at kaparehong bilang mula sa Grade 12 ang lumahok sa Career Expo noong Pebrero 10, 2026 na ginanap sa Tagbilaran City Central Elementary School na may temang “Find Your Perfect Fit” upang gabayan ang mga kabataan sa tamang pagpili ng kanilang kinabukasan.
Lumahok mula sa Grade 10 sina Jandi Fullante, Yaneza Anne Cabuag, Ellyza Gabrielle Magallanes, Thrisha Marie Capricho, Kate Jhanel Sabigon, Mariel Magdame, Abigail Arabiana, Siena Pineda, Rey Benedict Cinconiegue, at John Venson Nisnisan.
Samantala, dumalo naman mula sa Grade 12 sina Jale Aranjuez, Shayne Cirunay, Nilmae Elicot, Hanna Mikaela Luberas, John Reymar Taghoy, Shain Bolos, May Flor Calicdan, Aubrey Ann Henson, Nicol Micutuan, at Dionarisa Pinoliad.
Pinangunahan ang nasabing programa nina Gng. Angeljoy Bajao, Gng. Devie Rebusa at G. Emmanuel Ramirez bilang bahagi ng kanilang layuning magbigay ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang larangan ng karera.
Sa pamamagitan ng mga booth mula sa iba’t ibang paaralan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makilala ang iba’t ibang kurso at propesyon.
Ayon sa mga tagapag-organisa, mahalaga ang ganitong gawain upang magabayan ang kabataan sa paggawa ng matalinong desisyon para sa kanilang kinabukasan.
Sa kabuuan, inaasahang mas magiging handa ang mga mag-aaral sa pagpili ng landas na kanilang tatahakin matapos ang nasabing Career Expo.
