Ni Siena Pineda
Ipinagdiwang ng BTVHS ang Buwan ng Nutrisyon noong Hulyo 31, 2025 kung saan pinatunayan ng mga kalahok na ang kalusugan ay nagsisimula sa tamang pagkain sa pamamagitan ng pag represent ng kanilang malikhaing kasuotan na yari sa gulay at prutas.
Nagmistulang reyna ng masaganang ani si Crisha Mae Hamo sa bawat detalye ng kanyang kasuotan na kumikislap sa kalusugan, punong-puno ng resistensya at ganda. Idagdag rin ang kanyang kasuotan na tila pinapahiwatig nito ang proteksyon at tibay ng kalusugan sa pang-araw araw na buhay. Naiuwi niya ang mga parangal na Best in Production Number, Best in Interview, Best in Costume at siya rin ang pinarangalang “Ms. Nutrition Month 2025”.
Samantala nagmistulang taga pangalaga naman ng kagulayan si Niegel C. Banga dahil sa mga kulay berdeng gulay na nakapulupot sa mga makikisig na binti ng binata na sumisimbolo bilang proteksyon laban sa malnutrisyon. Pinarangalan naman siyang Best in Interview at “Mr. Nutrition Month 2025.”
Ang kanilang mga kasuotang gawa sa iba’t ibang uri ng gulay at prutas ay hindi lamang representasyon ng isang disenyo kundi sumisimbolo rin ng kahalagahan ng sustansya at kalusugan sa ating pangangatawan.
Bukod pa rito ay may mga palaro rin na naganap tulad ng Nutri Quiz, Table Skirting na nagpakita ng galing at talento sa pag dedesinyo ng lamesa at Cooking contest kung saan nag presenta sila ng masasarap at nakakatakam na mga putahe.
