Ni John Reymar Taghoy
Bumangon mula sa pagkatalo sa unang laro ang Dauis-PDCABS at pinatumba ang Loon-LOCATU, 94-88, sa finals showdown ng basketball sa First Congressional District Athletic Meet na ginanap sa Dela Paz, Cortes, Bohol noong Oktubre 4, 2025, at nasungkit ang kampeonato.
Isinagawa sa twice-to-beat format ang finals kung saan kinakailangang talunin ng Loon ang Dauis nang dalawang beses upang masungkit ang titulo.
Sa unang laro ay sinungkit agad ng Loon ang panalo, 59-51, dahilan upang maiwan sa alanganin ang Dauis.
Ngunit sa ikalawang laro, sa kabila ng tirik na araw, lalong nag-init ang laro at walang pag-aatubiling bumawi ang Dauis hanggang sa tuluyang makuha ang panalo at maitanghal na kampeon sa iskor na 94-88.
“Gi-tarong lang ug training sa mga players,” ayon kay G. Marjun Cerezo, isa sa mga coaches ng Dauis.
“Padayon, keep it work, kay ang hardwork ma-success man gyud ma kadugayan ug salig lang sa kaugalingon, ug salig lang ni Lord” sabing MVP na si John Leandro Tejas, na nagpakitang-gilas sa laro.
Sa huli, nasungkit ng Dauis-PDCABS ang kampeonato, pinatunayan ang kanilang galing at determinasyon, at iniwan sa likod ang unang pagkatalo sa harap ng masiglang suporta ng kanilang fans.
