Ni Siena Pineda
Ang Araw ng mga Guro ay hindi lamang isang simpleng selebrasyon kung saan kinikilala ang ating magigiting na mga guro kung hindi ay selebrasyon rin ng kanilang buong pusong pag-gabay at sakripisyo para sa mga mag-aaral. Noong Oktubre 6, 2025 ipinagdiriwang ang Teacher’s Day sa pamamagitan ng nakakaindak at nakakaaliw na programang handog para sa mga guro.
Ang ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay ginanap sa Panglao Vista Suites noong Oktubre 29. Ito ay nagsilbing Capability Building ng mga guro na may temang “Together, We Achieve More”.
Iba’t-ibang presentasyon at palaro ang inihanda ng mga guro ay nagmistulang mga bata sa saya. Nagwakas ang selebrasyon sa pamamagitan ng paglangoy sa swimming pool.
Ang selebrasyon ng mga Guro, selebrasyon ng kanilang sakripisyo, katatagan at gabay na kanilang ginawa ay ibinahagi upang magkaroon ng magandang kinabukasan at kaalaman ang bawat kabataan sa paaralan.
Isang mahalagang paalala na hindi lamang sila tumatayo bilang pangalawang magulang kundi doktor,tagapayo, at guro na tila nabubuhay sa iisang katawan. Kanilang sakripisyo at pagtuturo ay pahalagahan.
